Umiwas sa press?
By: Rowena Agilada   From: Tempo tabloid
[December 06, 2007]

    Nanibago ang press people kay John Prats noong presscon ng "Shake, Rattle and Roll 9." Dati kasi, magiliw siyang bumabati at nakikipag-beso-beso sa press at nagte-table hopping.

    But that night, nasa isang sulok lang si John. He didnít bother to greet the press people na gusto sana siyang interbyuhin. Hinintay lang ni John ang open forum at pagkatapos, bigla siyang nag-disappearing act kaya walang reporter na nakainterbyu sa kanya. Sadya bang iniwasan ni John ang press dahil ayaw na niyang makulit tungkol sa relasyon nila ni Shaina Magdayao?

    In any case, tampok si John sa "Christmas Tree" episode ng "SRR9" with Lovi Poe, Gina Alajar, Nash Aguas, John Lapus, Tonton Gutierrez, and Boots Anson-Roa. Directed by Paul Daza.