Very private love affair ang kay John
By: Chit Ramos   From: Tiyempo
[February 22, 2007]


    Maliban kay John Prats, boring pala ang love life ng mga kasama niya sa "Ultimate Dance 4" album na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao at Rayver Cruz.

    Tuloy, si John ang tumanggap ng sangkatutak na intriga sa prescon na ginanap sa Virgin Café noong Lunes ng gabi.

    Unang naungkat ang first love niyang si Heart Evangelista. Sumunod ang sexy host ng noontime show sa ABS-CBN, si Jeni Hernandez. Pati ang controversial na si Nancy Castiglione at ang present GF niyang si Mia.

    "Very private po si Mia kaya iniiwasan ko po sanang sumagot ng mga tanongtungkol sa kanya. But we are very much okey. May advantage ang isang ka-relasyon na hindi taga-showbiz. Pero may disadvantage rin. Madali nga lang i-patch up ’pag may differences dahil kaming dalawa lang ang nag-aayos. Walang ibang nakikialam. Walang maraming taong dapat pakisamahan."