6 inches lang, pero maluphet! -- John Prats
By: Dondon Sermino   From: Abante
[October 4, 2008]

Naintriga ang mga malilisyosong manunulat sa mga linyang binitawan ni John Prats sa presscon ng Tiny Tony ng ABS-CBN 2.

6 inches lang, pero maluphet! sabi ni John.

Siyempre, nagkatinginan ang mga bading na manunulat, at gumana na ang kanilang imahinasyon, sa sinabing `yon ni John.

Pero, hindi naman dapat maglaro o bigyan ng malisya ang sinabing `yon ni John, dahil ang tinutukoy niyang 6 inches ay ang karakter niyang si Tiny Tony.

Sa Tiny Tony nga ay anim na pulgada lang ang sukat ni John, pero maluphet daw siya, lalo na sa pagtatanggol sa mga naapi.

Anyway, kasama rin sa Tiny Tony sina Alex Gonzaga, Coco Martin, Mura, Susan Africa at Gerard Acao. Mula ito sa direksyon ni Dondon Santos.

Para sa iba pang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com. At http://komikspresents.multiply.com