Aiko, puwedeng ma-in love kay John!
By: Ruel Mendoza   From: Abante
[September 5, 2008]

Matapos ang mainit na eksena nina Aiko Melendez at John Prats, magkikita muli ang dalawa sa Your Song Presents: Someone Like You ngayong Linggo, September 7 sa ABS-CBN.

Dahil sa isang younger man-older woman ang kuwento ng Your Song para sa buwang ito, hindi mapi­gilang maitanong kay Aiko kung papayag siyang maki­pag-relasyon sa mas bata sa kanya.

Pa-joke nitong sinabi, “Baka hindi na muna, matapos ang first marriage ko with a younger man,” sabay tawa.

Pero bumawi din ito nang sabihin, “pero with John Prats kasi, it wouldn’t be hard falling in love with him kasi mabait talaga siya.”

Sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin, alamin ang mga kasagutan sa Your Song Presents: Someone Like You, sa Linggo.