Ang pangako ng Regal Films kay John Prats
By: Dinno Erece   From: People's Taliba
[August 09, 2008]

Tinupad ng Regal Film ang pangakong movie para kay John Prats.

Not many people know this but tentative na noon si John na tanggapin ang Manay Po 2 kahit alam niyang maghi-hit ito.

Tama na raw kasi sa kanya ang mga dalawang baklang papel, ang Ako Legal Wife and the first Manay Po.

Handa na kami noon na baguhin ang kanyang character at palitan ito, pero with Mother Lily Monteverde’s charm, napapa-yag siyang tanggapin ang movie.

May request lang si John kay Mother, na sana, ang next Regal Films movie niya, straight na siya.

With Loving You opening Aug. 20, natupad na ni Mother Lily ang pangako niya kay John at hindi lang siya straight, napaka-sexy pa nga ng kanyang partner, si Ehra Madrigal.

John and Ehra joins the four-partner cast of the movie directed by Don Cuaresma.

May premiere night ang movie on Aug. 17 sa SM Megamall.