Ang totoo sa trianggulong Maja, John Prats at Shaina…
By: Chit Ramos   From: Pinoyparazzi
[April 2008]

Astig na astig pala ang love life ni John Prats! Ito ang natuklasan ng BullCHIT, kung kaya’t hindi nakatiis na bukingin siya.

Walang binatbat ang kapwa bading niyang “sisters” na sina Polo Ravales at Jiro Manio na parehang naloloko sa mga may edad na nilang dyowa. Si Jean Garcia kay Polo at isang 22 year old non-showbiz girlash naman ang kay Jiro.

Mismong si Heart Evangelista noon ang umamin na naging sila nga ni John. Pero hindi daw siya nito naipaglaban sa kanyang milyonaryong dad. Iba naman ang alam kong kuwento. Si Heart mismo ang nagbawal kay John na huwag na huwag aaminin ang kanilang relasyon dahil bawal na bawal sa kanya ang magka-syota. “Patitigilin ako ng Dad ko sa pag-aartista” natatandaan kong katwiran ni Heart noon. Gayunpaman, nagpatuloy ang kanilang secret love. Madalas kasing mahuli na magka-holding hands sila. Kung may tatabing babae sa “ASAP” kay John, tiyak na pupuwesto sa gitna ang milyonaryang dalaga. Selosa kasi siya, lalo’t kapwa niya bagets ang nilalandi ni John o lumalandi sa dyowa niya.

But that is water under the bridge dahil sukdulang hanggang langit na ang pagmamahal ni Heart sa Bicolanong si Jericho Rosales. ‘You and Me against the world’ din ang historia de un amor nila dahil bawal na bawal nga ito sa dalaga. Hindi lamang bawal sa parents niya, kundi pati sa ABS-CBN din. Ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para mapaglayo ang dalawa, pero nabigo sila. Nag-ala Romeo and Juliet din sila at kinalaban ang lahat to the extent na tinalikuran nila ang kani-kanilang career in the name of love.

Hindi ko alam kung kailan napasok sa eksena si Maja Salvador sa buhay ni John. Iba kasi ang alam ko at iba naman ang kuwento nina Maja at Kris Aquino sa “Boy and Kris.” “Maja, hindi ba dapat sa ating dalawa lang iyon,” ani Kris kay Maja nang aminin nitong naging sila nga ni John, bago naging sina John at Shaina Magdayao.

Naguluhan din si John, nang ungkatin ko para maliwanagan ang “relasyon” kunong iyon na nag-last daw for 3 days only.

“Hindi naman ganun kaigsi, Tita,” anya. “Buwan din. Na-realized din naming pareho na we are better off as friends,” patuloy niya. Na iba din sa alam ko. Naku, ha! Sino ba sa inyo ang nagtatakip-kanino, ha, John?

Buti pa si Kris, napagsabihan nang totoo!

‘Yung pagpasok naman ni Shaina sa buhay ni John ay nakakakilig talaga. Sa taping iyon ng “UD4” episode para sa “Love Song.” Hindi na halos kinikibo at pinapansin ni Shaina si Rayver Cruz. Giving everybody the message na wala siyang ka-amor-amor sa ka-love team. Kahit ipagduldulan pa ni Rayver ang sarili sa nakababatang kapatid ni Vina Morales ay wa epek talaga. Parang invisible man tuloy ang tingin ng mga naroon kay Rayver, kapag dumaraan si Shaina.

Pero, kapag si John ang naroon, buong atensyon ng napakagandang dalagita ay naka-focus. Kasi nga, showered din siya ng attention ng astig na binata. Iba kung magmahal ang nakatatandang kapatid ni Camille Prats. Hindi lang ipinadarama, kundi ipinakikita pa. Parang isang tunay na prinsesa si Shaina kay John Prats. Yehey!