Ehra, pinagselosan ni Shaina kay John
By: Jun Nardo   From: Abante
[August 7, 2008]

Kinabahan si John Prats nang malaman niyang si Ehra Madrigal ang makakapareha niya sa pelikulang Loving You ng Studio Max.

Eh, bukod kasi sa sa dahilang nag-iisa siyang taga-Channel 2 sa movie, seksing-seksi rin ang dating sa kanya ng isa sa top sexiest ng FHM.

Anyway, hindi naman naging problema kina John at Ehra kahit magkaaway ang kanilang network. Nag-swak kasi ang mga characters nila sa roles nila sa Don Cuaresma movie na mapapanood na sa August 20.

Pero hindi naman kaya nagselos ang constant date ni John na si Shaina Magdayao sa kaseksihan ni Ehra? Kasi naman, boobs na boos pa lang ni Ehra, alangan namang hindi ‘yon makanakaw ng atensyon ni John, huh!

Bukod kina John at Ehra, ang iba pang twosomes sa Loving You ay sina JC de Vera at Yasmien Kurdi, Kris Bernal at Aljur Abrenica at Polo Ravales at Jean Garcia.