First time nina John at Ehra
By: Nitz Miralles   From: Journal.com.ph
[August 06, 2008]

Ang Kapamilyang si John Prats at ang Kapusong si Ehra Madrigal ang magkapareha sa Loving You ng Studiomax at dahil first time magkatrabaho, nagka-ilangan ang dalawa sa first few shooting days.

Ani John: “Medyo kinabahan ako nang malaman ko ang line-up ng cast na ako lang ang taga-ABS at lahat, taga-GMA. Pero, okey na rin, kasi sexy ang partner ko.”

Bumilib pa si John sa kapareha’t hindi lang sexy, magaling pa at maganda ang rehistro sa screen.

Sa Loving You lang daw makakakita ng sexy na madalas mag-breakdown, dahil ang character dito ni Ehra na si Bry, isang call center agent, ay niloko ng live-in boyfriend.

Si John bilang Alex, ang taxi driver na naging kaibigan ni Bry, ang tutulong sa kanya.

Mula sa panulat ni Fairlane Raymundo ang Loving You, sa direksyon ni Don Cuaresma.

Showing na ito sa August 20. Sa Aug. 17 ang premiere night nito sa SM Megamall.