John at Ehra, kakaibang tambalan
By: Dinno Erece   From: Journal.com.ph
[August 06, 2008]

Pinaka-kakaibang tambalan sa Loving You sina John Prats and Ehra Madrigal.

Apat ang love team sa upcoming movie ng Regal Films and Studio Max na Loving You opening this August 20 -- sina JC de Vera and Yasmien Kurdi, Polo Ravales and Jean Garcia, Kris Bernal and Aljur Abrenica at John and Ehra nga.

Ang first three love teams, nakapagtrabaho na bilang partners sa at least isang show dahil lahat sila Kapuso.

Sina John and Ehra, ta-lagang first time pa lang ito. John is a Kapamilya with an upcoming soap Pare Koy at si Ehra naman is a Kapuso and part of Richard Gutierrez’ Asero. Noong nalaman daw ni John na siya lang ang magiging Kapamilya sa main cast, naisip niya mag-isa lang siya pero okay na rin daw dahil at least sexy ang partner niya.

Loving You is directed by Don Cuaresma.