John at Ehra nangatog sa first time
By: Joe Cezar   From: Remate
[August 14, 2008]

Naudlot ang napabalitang maging Kapuso na si John Prats at isa sa proyektong gagawin niya'y ang "Gagambino" ni Dennis Trillo dahil kamakailan lang muling pumirma ng kontrata ang aktor sa kanyang mother studio, ABS-CBN at may mga proyekto siyang gagawin bilang Kapamilya talent.

Happy naman si John dahil muli niyang nakasama ang Kapuso stars sa "Loving You" ng Studiomax, na distributed ng Regal Entertainment.

Sa naturang pelikula na dinerek ni Don Cuaresma, kasama nya for the first time si Ehra Madrigal. Kaya sa kanilang kissing scene kapawa silang ninerbyos at nangangatong ang mga tuhod sa naturang eksena. Pero maganda naman ang resulta dahil kapwa naman sila magaling na artista.

Palabas na ang "Loving You" sa August 20, may premiere night sa August 17 sa SM Megamall cinema.

Samantala, John has been with ABS-CBN for 17 years. Bilang loyal na talent, simula sa buwan ng September, dalawang shows ang nakatakdang pagbidahan niya - ang "Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony". Muling sasabak si John sa drama dahil siya ang bida sa monthly drama series na "Your Song Presents" sa buong buwan ng September.

Mayroon ding special role si John sa "I Love Betty La Fea". At isang sitcom na kasalukuyang binubuo na ang cast.