John at Rayver, magkaibigan pa rin
By: Rowena Agilada   From: Tempo
[August 16, 2008]

Walang nabago sa friendship nina John Prats at Rayver Cruz kahit open na si John na may something special going on between him and Shaina Magdayao. Ani John, hindi niya sinulot si Shaina kay Rayver. Nag-uusap at nagbabatian pa rin sila ni Rayver kapag nagkikita sa ‘ASAP.’ Walang ilangan factor sa kanila ni Rayver, John stressed.

"Sa pagkaalam ko, hindi naging sila ni Shaina. Friends lang talaga sila. Kung alam kong may relasyon sila, hindi ko ‘yon guguluhin. Hindi ako mang-aagaw ng girlfriend ng iba," sabi ni John in a talk with him sa presscon ng ‘Loving You.’ When told na ang suwerte naman niya at siya ang nagustuhan ni Shaina, napangiti lang si John.

May premiere night this Sunday ang "Loving You" sa SM Megamall Cinema 6 at 7 p.m. at abangan kung isasama ni John si Shaina bilang suporta nito sa kanya. Mapapanood naman ang special TV primer ng ‘LY’ before ‘SOP.’