John 'di imposibleng ma-in love kay Aiko
By: Nel Alejandrino   From: People's Tonight
[September 01, 2008]

Ang ganda-ganda ng episode na tinatampukan ni Aiko with John Prats as her young lover in Someone Like You, which is based on the song How Did You Know by Piolo Pascual.

A veteran actress, kung tutuusin, since she started her showbiz career in her pre-teens, Aiko chose to turn her back on her acting career for four years, so she could concentrate on her work bilang konsehal ng Quezon City.

In "Someone Like You", Aiko is Marge, a film teacher, na hindi sinipot ng kanyang fiancée (si Christian Vasquez) sa araw ng kanilang kasal.

A chance encounter with Melvin (played by John), eventually developed into something beautiful.

The inevitable happened.

Pero, may ibang mahal si Melvin, si Mitch (Krista Ranillo), na dahil mahal si Melvin ay willing magparaya.

Natawa si Aiko nang may magtanong kung may possibility na ma-in love siya sa isang kasing-bata ni John, who is 24.

Aiko is in her mid-30s.

“Ano ba kayo,” aniya, “’di ba, si Martin (Jickain, father of her daughter, Marthena), halos ka-edad ni John when we got married? ’Di hamak na may edad ako sa kanya.”

In the case of John, he finds nothing wrong kung ma-in love siya sa isang kasing-edad ni Aiko.

Nagkatrabaho na pala ang dalawa sa Batang X a few years back. Mula noon, naging tagahanga na siya ni Aiko.

“Kaya it’s an honor na maging leading lady ko siya rito sa apat na episodes ng Your Song,” susog pa ni John.