John from Heart to Shaina in "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat"
By: Nel Alejandrino   From: People's Tonight
[December 21, 2008]

Hindi tuwirang masasabing magka-date sina John Prats at Shaina Magdayao noong gabi ng premiere ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, kahit pa sabihing magkasabay silang pumasok sa sinehan.

Unang-una na nga, they are both in the movie. At sila pa nga ang magka-love team.

Besides, kasama nila ang buong cast ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, na kinabibilangan nina Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo, Carlo Aquino, Jiro Manio, Serena Dalrymple at Yuki Kadooka, ng manood ng pelikula.

Nakakaloka, Ian F.., kung iisipin mo na five years ago nang i-produce ng Star Cinema at idirek ni Wenn Deramas ang Tanging Ina, which was a blockbuster, ang kapareha ni John sa pelikula ay si Heart Evangelista.

Nagkataon ding napabalitang sina John at Heart noon.

Then, things went awry between John and Heart kaya pumasok sa eksena si Jericho Rosales.

Shaina, who was also in Tanging Ina was only 14 then. Ewan kung at that time, na-catch man lang niya ang attention ni John.

Now, at 19, lumaking napakaganda si Shaina. No wonder that now, John’s heart belong to her.