John kinabahan sa 1st shooting days ng "Loving You"
By: ---   From: Pilipino Star Ngayon
[August 6, 2008]

Isa pang loveteam na tampok sa Loving You ng Studiomax, ay ang pareha nina Ehra Madrigal at John Prats.

Kinalimutan muna ng dalawa ang network war para mapasali sa magandang love story na mapapanood simula August 20, sa direksyon ni Don Cuaresma.

Dahil magkaiba ng network, never pang nagka-trabaho ang dalawa.

Sabi ni John: “Nang malaman ko ang line-up ng cast, lahat taga-GMA. Mag-isa lang akong taga-ABS, pero okey lang, sexy naman ang partner ko. Medyo kinabahan ako sa first shooting days namin.”

Isang taxi driver sa movie si John, siya si Alex na naging suki ni Bry (Ehra) na call center agent naman.

Malalaman kung happy ang ending nila, kung panonoorin ninyo ang pelikula sa nabanggit naming playdate. Sa Aug. 17, naman ang premiere night nito sa SM Megamall.