John pasok na sa "I Love Betty La Fea"
By: Ogie Diaz   From: People's Tonight
[October 16, 2008]

Pasok na rin pala si John Prats sa I Love Betty La Fea, ’no? Isa siyang “It Boy” sa Eco Moda office at dyowa siya ng bading na si Thou Reyes.

Parang kelan lang nu’ng naibuhos sa amin ni John ang sentimiyento na parang pinababayaan na siya ng ABS-CBN, dahil ASAP ’08 lang ang show niya. Hanggang sa dumating ang Komiks Presents...Tiny Tony at eto na nga, kasama na rin siya sa teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

O, choosy pa ba si John o hindi na?