John, thankful sa mga fans
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[October 25, 2008]

Nagpapasalamat si John Prats dahil maganda ang feedback sa kanyang Saturday series na Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony, kung saan ay ginagampanan niya ang isang maliit na super hero with matching costume.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong Sabado, matatapunan ng shrinking formula si Anthony (John) at matatagpuang patay si Dr. Morgan (Pen Medina) sa sariling laboratoryo.

Dahil si Anthony ang kasama ni Dr. Morgan sa lab, siya ang pagbibintangang salarin sa pagkamatay ni Dr. Morgan.

Pag-uwi sa bahay, may mga pulis nang nakabantay, kaya susubukang kontakin ni Anthony si Michelle (Alex Gonzaga) para magpaliwanag na inosente siya.

Paano kaya mapapatunayan ni Anthony na wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Dr. Morgan?

Abangan ang nakakatuwang episodes ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony ngayong Sabado, pagkatapos ng The Singing Bee, sa ABS-CBN.