John Prats at Luis Manzano, May Relasyon?
By: Manny Camacho   From: Diyaryong Bomba
[April 25, 2008]

Gulung-gulo na kami sa kakaisip kung ano talaga ang totoo sa iba't ibang usapin o tsismis o kung sino ba ang nagsasabi ng totoo.

Totoo ba ang tsika na meron daw lihim na relasyon sina John Prats at Luis Manzano. Hindi lang daw ito hayag na matagal nang unawaan ng dalawang celebrity.

Actually, matagal nang bulong-bulungan ang tungkol sa dalawang ito, dahil sa sobrang close nila sa isa't isa. Marami ang nagsasabing madalas makita ang dalawa na nasa rest house ni Luis sa Lipa, Batangas.

Well, kung ano ang gusto nilang palabasin sa tsismis na ito, hindi naman kami basta-bastang maniniwala. Ganyan naman sa showbiz may mga kanya-kanyang haka-haka, porke't nakikita nilang very close sa isa't isa ang dalawang tao, mag-on na?

Pero sa totoo lang, nais namin tawagan ng pansin sina John at Luis para naman malaman namin ang kanilang panig tungkol dito. Paging John & Luis please, text me or call me at 091---32119 or 0916---4286 para sa inyong mga paliwanag.