John Prats, ‘dyowa’ ng bading!
By: ---   From: Abante
[October 18, 2008]

Inspirado nga si John Prats ngayon dahil paganda nang paganda ang relasyon nila ni Sahina Magdayao.

At dahil doon, lalo siyang ginanahang magtrabaho. Heto nga at sunud-sunod ang trabaho niya sa ABS-CBN, at hindi nga siya nagkamali na pumir­mang muli ng kontrata.

Anyway, bukod sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony, at regular na pagsasayaw/hosting sa ASAP, isang kakaibang karakter naman ang gagampanan niya sa I Love Betty La Fea na bida si Bea Alonzo. Bago raw ang role na `yon para kay John, dahil hindi pa niya `yon nararanasan sa tunay na buhay.

Well, dyowa lang naman ng bading na si Hugo (Thou Reyes) ang gagam­panan ni John. At paano kaya paglalaruan ni John Prats ang kanyang kakaibang role?

Well, siguradong mas maraming bading ang magpapantasya na sana ay maging dyowa rin nila si John sa tunay na buhay.