John Prats, dyutay na superhero!
By: Ruel Mendoza   From: ---
[date]

Ngayon pa lang, marami na ang naiintriga sa bagong show ni John Prats sa ABS-CBN. Eh kasi naman, title pa lang na Tiny Tony, kaintriga-intriga na.

Tanong, ano raw ba ang tiny kay John? Dyutay raw ba si John?

Anyway, ang Tiny Tony ay mapapanood sa Komiks Presentís Mars Ravelo.

Gagampanan ni John si Tony, isang simpleng binata na may simpleng pangarap sa buhay. Dahil sa isang freak accident, naganap ang malaking pagbabago sa kanyang buhay. Mula sa isang normal na tao, naging isang dangkal na superhero si Tony.

Dream come true para kay John ang gumanap bilang superhero.

Makakasama ni John sa Tiny Tony sina Alex Gonzaga, Coco Martin, Mura, Susan Africa at Gerard Acao.