John Prats hindi lilipat sa GMA-7!
By: Abu Tilamzik   From: Abante Tonite
[August 09, 2008]

Sa presscon ng pelikulang Loving You kahapon, hindi nasagot ni John Prats ang tanong namin tungkol sa naunsyaming paglipat niya sa GMA 7.

Ang unang nabalitaan namin, lilipat na ito at kasali raw sa Gagambino, pero ang latest na narinig namin, hindi na raw.

Nang tinanong namin si John kahapon kung lili­pat ba siya sa GMA 7, mabilis ang sagot niyang “hindi” pero napatawa na lang siya at nagkanda-utal sa pagsagot sa follow-up question namin na hindi na raw ito natuloy.

Huwag na raw munang pag-usapan ito dahil hindi pa niya maikuwento kung ano ang nangyari.