John Prats hindi ma-PDA sa babae
By: ---   From: Pilipino STAR Ngayon
[April 16, 2008]

Gusto talaga ni John Prats na magkatuluyan sila ni Shaina Magdayao, dahil nang banggitin minsan ng isang kolumnista na hindi nagkakatuluyan ang magkumare’t magkumpare’y, medyo bothered at nagtanong kung totoo iyon. Inaanak kasi nila ni Shaina ang baby boy ng kapatid niyang si Camille Prats, kaya biniro.

Ano naman ang comment ni John sa nasulat na hinahalikan daw niya ang braso ni Shaina sa rehearsal ng ASAP at nakita iyon ng maraming tao?

“Hindi totoo. Hindi ako gano’n, ’di ako ma-PDA (public display of affection) na tao at kahit gustung-gusto ko ang tao, never kong gagawin iyon sa harap ng maraming tao,” paliwanag ni John.

Samantala, opening ngayon ng Manay Po 2: Overload at naniniwala si John at mga kasama sa movie na magugustuhan ito ng moviegoers. Sabagay, sa premiere night pa lang, tawanan na ang manonood sa mga nakakatawang eksena. Ipinagmalaki ni John na idea niya ang paglalagay ng balabal sa leeg para maging fashionista ang dating niya at inamin ding si direk Joel Lamangan ang peg niya sa character niyang si Orson, dahil iyon din ang fashion statement ng direktor.