John Prats, inspired
By: Leo M. Bukas   From: People's Taliba
[October 19, 2008]

Inspired sa mga project niya ngayon ang Dance Floor Dynamite ng bansa na si John Prats.

Bukod sa pagganap bilang isang superhero sa Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony, at regular na pagsasayaw/hosting sa ASAP, isang kakaibang karakter ang gagampanan ni John sa I Love Betty La Fea na masusubaybayan sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Nagbinata si John sa harap ng maraming manonood. Iba't ibang roles na rin ang kanyang ginampanan sa tagal nito sa industriya. Sa pagpasok niya sa I Love Betty La Fea, kakaibang John Prats naman ang inyong matutunghayan.

Bibigyang buhay ni John dito ang karakter ng isang IT guy sa Eco Moda at "jowa" ng bading na si Hugo (Thou Reyes), ang creative director ng ahensiya.

Paano kaya paglalaruan ni John Prats ang kanyang kakaibang role?

Abangan ang mga susunod na nakakatuwang episodes ng I Love Betty La Fea, Lunes hanggang Biyernes pagakatapos ng Dyosa sa ABS-CBN!