John Prats joins Kapuso stars in "Loving You"
By: Nerisa Almo   From: Philippine Entertaiment Portal
[August 09, 2008]

Bukod sa direktor na si Don Cuaresma, na identified sa ABS-CBN, isa rin ang Kapamilya star na si John Prats sa mga bida ng pelikulang Loving You na ipalalabas simula Agosto 20.

Sa press conference na inilaan para sa pelikula kahapon, August 8, sa Imperial Palace Suites sa Timog Avenue, Quezon City, nabanggit ni John na makakapareha niya ang Codename: Asero actress na si Ehra Madrigal, na gaganap bilang isang call center agent sa pelikula.

Ayon kay John, ang kanyang role ay "Isang taxi driver na kinontrata ni Ehra. Ako 'yong tagahatid at saka taga-sundo sa kanya. Magakahiwalay kami ng mundo. Kumbaga, may kaya siya, maganda siya, at sobrang model 'yong hitsura n'ya. So parang hindi ko mai-imagine na possible na magiging kami."

Patuloy pa ng young actor, "Dito ipinapakita na iba 'yong ginagawa ng friendship at saka 'yong totoong pag-ibig sa puso."

Dahil sa kanyang pagganap sa Loving You, nadama rin ni John mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapuso celebrities.

"Wala akong masasabi sa mga GMA-7 artist, professional sila and hindi sila mahirap katrabaho," wika ni John. "Ang bilis ko silang maka-bond, si Polo [Ravales] kasi nakatrabaho ko na before. Pero wala kang magiging problema, ang sarap nila makatrabaho."

Ipinaliwanag din ng actor-dancer na bagamat madalas magpagtapat ang mga artista ng dalawang giant networks, hindi naman daw ito umaabot sa personal nilang pakikitungo sa isa't isa.

"Well, 'yon nga ang sinasabi nila na parang it's not like that, na kapag GMA or ABS-CBN artist ako, may conflict din kami. Talagang trabaho lang ang ginawa namin. Kumbaga, nakahanap din ako ng mga bagong kaibigan," paliwanag ni John.

Bukod kay Ehra, makakasama rin ni John sa Loving You sina Jean Garcia, Polo Ravales, Yasmien Kurdi, JC de Vera, Sheena Halili, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Eri Neeman, at Brent Javier.

STEADY RELATIONSHIP WITH SHAINA. Sa panayam ni John sa PEP (Philippine Entertaiment Portal), nabanggit din niya na ayos pa rin naman ang kanyang relasyon sa young actress na si Shaina Magdayao.

"Okay naman kami and masaya. Kumbaga, steady 'yong flow ng relationship," paglalarawan ng binata.

Hindi na rin diumano niya pinapansin ang mga isyu na naglabasan kamakailan ukol sa tamabalan nina Shaina at Jake Cuenca sa weekly show na Your Song.

Para kay John, "Ako naman, kumbaga that's work. Hangga't maari nga, ako, kung ano 'yong mga personal sana personal 'yon, ayaw ko naman dalhin sa trabaho."

Sa ngayon, confident naman si John sa closeness nila nila ni Shaina kahit na madalang lamang sila nagkikita.

Nang hingin ng PEP ang pahayag ni John upang kumpirmahin ang bali-balitang sila na ni Shaina, ito ang kanyang maikling sagot: "Basta ako, alam ko I'm exclusively dating her."