John Prats, Kapamilya pa rin!
By: ---   From: Abante Tonite
[August 14, 2008]

Kapamilya pa rin si John Prats.

Pumirma siya ng bagong kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

Naganap ang contract-signing sa pagitan nina John and his manager Arnold Vegafria at ABS-CBN Managing Director for Entertainment Production Cory V. Vidanes at Business Unit Head Deo Endrinal.

Labimpitong taon na si John sa ABS-CBN. Nagsimula siya sa Dos bilang child star sa Ang TV.

Sa Setyembre, bida si John sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony bilang isang maliit na superhero at sa drama series na Your Song.

May special role si John sa I ? Betty La Fea.