John Prats, kinabahan kay Ehra Madrigal
By: Rowena Agilada   From: Tempo
[August 7, 2008]

Sina John Prats at Ehra Madrigal ang magkapareha sa "Loving You" ng Studiomax at dahil first time sila nagkatrabaho, kinabahan siya, ayon kay John. More so, nu'ng nalaman niya na siya lang ang Kapamilya star sa hanay ng cast na mga Kapuso.

Ani John, nu'ng mga first few shooting days nila'y nagkailangan sila ni Ehra. "Medyo kinabahan ako," he said. Tawa lang daw nang tawa si Ehra. Later on, naging komportable na sila sa isa't isa. Mabait, kalog at madali raw kasing pakisamahan si Ehra.

"Bukod sa maganda at sexy siya, ha! Ngayon lang sila makakakita ng sexy na parating nagbi-breakdwon," ani John. In "Loving You," Ehra plays Bry, isang call center agent na niloko ng kanyang boyfriend. Si John naman si Alex, isang taxi driver na naging kaibigan ni Bry.

Mula sa panulat ni Fairlane Raymundo at sa direksiyon ni Don Cuaresma, showing ang "Loving You" on August 20 at may premiere night sa SM Megamall on August 17.