John Prats, lilipat sa GMA-7?
By: Nitz Miralles   From: Pilipino Star Ngayon
[March 31, 2008]

Hindi pa uli nagpi-presscon ang Manay Po 2: Overload, marami pa namang isyu kina John Prats at Polo Ravales na kailangan ng sagot. Baka ‘pag harap nila sa press, malamig na ang ulo ng huli at hindi nagalit sa nagkalat ng picture nila ni Jean Garcia.

Maganda rin sanang matanong si John kung totoong may balak siya o ang kanyang manager na ilipat siya sa GMA-7.

Sa shooting ng Regal movie, naikuwento raw nitong hindi pa siya nagre-renew ng contract sa ABS-CBN. Tapos may nagtsika sa aming dapat sabay sila ni Camille Prats na lilipat sa Ch. 7, pero ang kapatid lang ang natuloy. Mas maganda sana kung siya mismo ang magsasalita.

Samantala, isa sa mga highlights ng MP 2 ang all-star cast musical number kung saan, naka-maternity dress sina John, Polo, at Jiro Manio habang kinakanta ang Jontis. Kinunan ni direk Joel Lamangan sa iba’t ibang location. May premiere night ang movie sa April 13 sa SM Megamall, bago ang regular showing sa April 16.