John Prats, napagbintangan!
By: ---   From: PSEP-Online.com
[October 23, 2008]

Sa Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony…

Bonggang-bongga nga talaga ang career ngayon ng Dancefloor Dynamite na si John Prats dahil ang kanyang pinagbibidahang programa, ang Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony na mapapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN, ay mainit na sinusuportahan ng maraming manonood.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, natapunan na nga ng shrinking formula si Anthony (John Prats) at natagpuang patay si Dr. Morgan (Pen Medina) sa kanyang sariling laboratoryo. Dahil si Anthony ang kasama ni Dr. Morgan sa lab, siya ang pinagbintangang salarin sa pagkamatay ni Dr. Morgan. Pag-uwi niya sa bahay ay may mga pulis nang naka-bantay kaya naman, susubukang kontakin ni Anthony si Michelle (Alex Gonzaga) para magpaliwanag na inosente siya.

Paano na lang kaya mapapatunayan ni Anthony na wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Dr. Morgan?

Abangan ang exciting at nakakatuwang episodes ng Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony ngayong Sabado pagkatapos ng The Singing Bee sa ABS-CBN!