John Prats remains Kapamilya
By: Boy Abunda   From: Pinoy Parazzi
[August 25, 2008]

He recently renewed his contract with ABS-CBN dispelling rumors that he will jump over the fence to another network. Aliw na aliw kami ni Cristinelli (Fermin) while interviewing him on The Buzz. Matagal kasi namin siyang hindi nakita at nakausap.

Tinanong siya during his contract signing kung may kinalaman si Shaina Magdayao sa pananatili niya sa Kapamilya Network. “Hindi naman. Personal iyon. Ito’y career ko. Sabihin na lang natin na 17 years ako dito sa ABS-CBN. Ito na iyong parang university ko,” he explained. John is a true-blue Kapamilya. Sabi nga niya ay sa ABS-CBN na siya lumaki. From the first time we saw him as a child star on Ang TV, John emerged to be one of the most talented young artists in the country today. Tinagurian din siyang ‘The Prince of Dance’ and ‘Dancefloor Dynamite’ dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw.

Sinabi niyang he had offers which he thought could help him expand his range as an actor. Pero buti na lang daw at hindi siya pinayagang lumipat nina Deo Edrinal and Cory Vidanes. Magiging abala ngayon si John sa kanyang mga projects sa ABS-CBN. Aside from ASAP, he will also be in I Love Betty La Fea, Your Song, and ‘Tiny Tony’ episode of Komiks Presents. John is very open about his true feelings for Shaina. “We’re exclusively dating. Siya lang iyong nililigawan ko. Willing akong maghintay kung kailan niya ako sasagutin,” he enthused. John gave Shaina a fashion ring which she wore in one of her pictorials. Tinanong namin siya ni Cristinelli if nararamdaman din ba niya na mahal siya ni Shaina. Ayaw niya sanang sumagot. Pinilit namin. Sabi niya, “Yes.”

Kaibigan, usap tayo muli!