John Prats small, pero big ang hinaharap
By: ---   From: People's Taliba
[September 14, 2008]

Matapos pumirma muli ng kontrata si John Prats sa Kapamilya Network, sunod-sunod na ang mga proyektong nakahilera para sa binata.

After "Your Song" at special appearance sa "I Love Betty La Fea" ay magiging superhero naman siya sa "Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony"!

Bagay ang role kay John dahil small siya. Pero may tsikang kahit small siya ay big nmana ang hinaharap niya, huh!

Totoo kaya ito?

Nagkaroon na ng costume fitting si John at bumagay sa kanya ang kulay orange niyang costume. Ginawa namang blue ang kulay ng kanyang buhok.