John Prats video game ace master sa "LoveSpell"
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[April 06, 2008]

Cute ang kuwento ng episode ng Love Spell ngayong hapon na pangugunahan nina John Prats at Erich Gonzalez.

Tiyak na makaka-relate ang mga kabataan dahil tungkol ito sa video games.

Sa istorya, si John ay si Peter, isang binatang super addicted sa video games at naniniwala na siya ang ace master sa larangang ito’t walang makatatalo sa kanya.

Ngunit may makatatalo sa kanya at isang babae pa – si Lora, na gagampanan naman ni Erich.

Magugustuhan ni Peter si Lora, pero ang problema, may boyfriend na ang dalaga. Kaya, plinano niyang makuha ang pag-ibig nito sa estilo ng mga laro sa video game.

Sa kanilang pakikipaglaban, mauuwi ang lahat sa isang kagulat-gulat na pangyayari.

Pinamagatang The Game, alamin ang resulta ng laro't adiksyon na ito sa Love Spell Presents ngayong Linggo, April 6, pagkatapos ng Your Song sa ABS-CBN.