John Prats: "Wedding first before kids!"
By: Jun Nardo   From: Abante
[March 23, 2008]

"Wedding first before kids!" sabi ni John Prats.

Teka, alam ba niya ang sinasabi niya without thinking about her sister Camille?

Anyway, kay Shaina Magdayao nakasentro ang interview kay John after ng presscon ng Manay Po 2 ng Regal Entertainment.

"Hindi naman siya maarte! I feel it's better because I've experienced ‘yung madaling mapa­sagot. Tapos magiging kayo. After two months, may ugaling lalabas. Tapos, isa sa inyo ang masasaktan.

"I don't want that to happen with us especially I don't wanna hurt Shaina!" katwiran ni John.

Hindi pa naman magsyota sina John at Shaina pero ayon sa young actor, sa parte niya, exclusive ang pakikipag-date niya sa sis ni Vina Morales.

Four months na siyang nanliligaw sa young actress at wala pang sagutang nangyayari.

"Gusto ko ring tanu­ngin sa kanya but I don't want her to feel that I am rushing! So we'll just wait for the right time and the right moment. Siguro naman, hindi ako mag-aano ng ganito kung wala ring pupuntahan din," pag-aasam ni John.

Dating ka-loveteam ni Shaina si Rayver Cruz. Wala ba silang problema lalo na't nagsasama sila sa ASAP?

"Wala naman kaming away ni Rayver! ‘Yun ang okey. Minsan, nanunukso rin ‘yon, eh! I don't ask him!" tugon niya.

Sino ang mas maga­ling sa kanilang sumayaw ni Rayver? "Ha! Ha! Ha! Sino sa palagay mo?" sundot ni John.