Kasal ni Camille, bawal ikuwento ni John
By: Gerry Ocampo From: People's Tonight
[January 24, 2008]

Kinumpirma ni John Prats na ikinasal na nga ang utol niyang si Camille Prats sa Tate, pero mahigpit daw siyang pinagbawalan na magkuwento tungkol dito.

“Gusto kasi ni Camille na siya ang magkuwento kaya ganu’n na lang kahigpit ang bilin niyang huwag na huwag daw akong magkukuwento. Basta, masaya naman ’yung kasalan,” say ni John.

Hindi pa rin daw nanganganak si Camille at gustuhin man niyang makita ang pamangkin ay hindi na niya nahintay pa dahil kailangan na niyang bumalik ng ’Pinas para sa mga commitment dito.

Tungkol naman sa kanila ni Shaina Magdayao, ani John, okey sila at wala siyang alam na may isyu siyang dapat ayusin o sagutin.