More adventures for Tiny Tony
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[Decfember 6, 2008]

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony ngayong Sabado, narinig na ni Michelle (Alex Gonzaga) ang masamang balak ni Gil Gante (Mura) sa pamilya ni Tony (John Prats), kaya naman agad niyang pupuntahan ang bida para mabigyan ng warning.

Nalaman na rin ni Tony na si Joaquin (Coco Martin) ang susi ni Gil Gante sa mga shrinking formula.

Ngunit magtutulungan din ang dalawa nang malaman ni Tony na si Joaquin pala ang nagligtas sa kanyang ina sa kapahamakan.

Isang masama at malaking plano ang nais gawin ni Gil Gante — ang paliitin ang lahat ng tao sa pamamagitan ng paglalagay ng shrinking formula sa water supply.

Abangan kung paano ito mareresolba ni Tony ngayong Sabado, pagkatapos ng Singing Bee, sa Channel 2.