Nangyari ang pinagbawal
By: Chit Ramos   From: Tiyempo
[December 18, 2008]

Guest appearance lang ang kay John Prats sa ‘Tanging Ina Ninyong Lahat’ pero inaabangan ito dahil first time nilang magkakasama sa pelikula ni Shaina Magdayao. At bilang mag-syota pa.

Napag-uusapan ito dahil noong nanliligaw pa si John kay Shaina, ito ang unang ipinagbawal nila sa isa’t isa. Ang magkasama sa isang project.

"Ayoko kasing magkaroon ng intriga. Baka sabihing naggagamitan kami. Na isasangkalan ang panliligaw para sa career," pagta-tapat ni John. Pati pagsasayaw sa ‘ASAP’ ay ipinagbawal na rin nila sa isa’t isa.

Pero kung ano ang bawal, iyon ang nangyayari. Kaya dito sa pelikulang pinagbibidahan ni Ai-Ai de las Alas ay sadyang pinili si John para maging leading man ni Shaina. Walang tsismis o intriga na naganap. Tanggap agad ang kanilang tambalan. At kilig-kiligan din ang movie press at fans.

Incidentally, hindi lang sa movie magkakasama sina John at Shaina kungdi sa last showing day ng ‘Tiny Toni’ noong Sabado. Nagtagpo ang character ng ‘Dragonna’ at Tiny Tony.