Paglipat ni John Prats sa Kapuso network naudlot
By: Eric John Salut   From: People's Tonight
[August 11, 2008]

Hindi na matutuloy ang paglipat ni John Prats sa GMA-7.

He and his manager Arnold Vegafria decided to stay with ABS-CBN. Nagkaroon ng meeting sina John at Arnold with ABS-CBN bosses Cory Vidanes and Deo Endrinal and in that meeting, naplantsa na ang pag-stay ni John sa Kapamilya network.

Sa Martes magaganap ang contract-signing ni John. Doon din i-a-announce ang mga bagong project na gagawin nito.

Pero bago ang contract-signing, nalaman naming dalawa ang projects na gagawin ni John. Siya ang bida sa Tiny Tony (ng Komiks Presents Mars Ravelo) at Your Song Presents (kung saan siya ang bida for the month of September).

Umiral pa rin ang utang na loob kay John sa network na naging tahanan niya for almost 15 years.