Polo, John at Jiro, nabuntis!
By: Rey Pumaloy   From: Abante
[March 30, 2008]

Nagbabalik nga sa sinehan ang bonggang-bonggang magkakapatid na bading na sina Polo Ravales, John Prats, at Jiro Manio, sa pelikulang Manay Po 2...Overload, ng Regal Entertainment, na dinirek ni Joel Lamangan.

Bongga ito, dahil pipilitin ni Rufa Mae na maging lalake si Polo. Si Jiro naman ay nalilito sa kung ano ang type niyang salihan sa kanilang school, ang swimming competition, o ang Ms. Gay University. At si John naman ay nagkaroon na ng boyfriend, na ginampanan ni Alex Castro.

Anyway, isang eksena sa Manay Po 2 ang bonggang-bongga talaga, at `yun ay ang pagsusuot ng maternity dress, o magmimistula silang mga preggy na babae.

Oh, ‘di ba, kaloka dahil nabuntis nga o nag-feeling buntis sina Polo, John at Jiro sa Manay Po 2.

Naku, siguradong mas masaya ang Manay Po 2, kaya bonggang-bongga na naman ang mga bading sa sinehan.