Shaina, good influence kay John
By: Chit Ramos   From: Pinoyrazzi
[October 31, 2008]

In a recent visit to Bacolod, nakasama namin si John Prats. Kapansin-pansin ng malaking pagbabago niya. Mukhang very good influence sa kanya ang girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Tawa lang nang tawa ang bruho nang banggitin ko ito sa kanya.

Dati-rati kasi, mukhang totoy pa si John na laging inaalalayan ng handler-***-nanay niyang si Tess. Ngayon, parang nakawala na siya sa sarili niyang mundo at nakukuha nang alalayan ang mga kasamang elderly tuwing sasakay at bababa sa vehicle. Naging gentleman bigla. Ganu’n din siya kapag nagpe-perform in public. Concerned, lalo na sa mga fans na nakatatanda. Nag-aalala siyang baka maipit, maapakan ang mga ito, kung kaya’t pinauupo niya sa unahan o kaya’y aalalayan din. Nakikiusap pa sa audience na ingatan ang mga ito, grabe.

Hindi na rin nila itinatago ang kanilang relasyon ni Shaina. Hindi na sila umiiwas, tulad nang makasalubong ko sila na magkasama sa elevetor. Ang maganda sa kanila, behaved. Hindi nagho-holding hands, at lalong hindi nagpi-PDA (public display of affection). Magandang example sa kapwa-young couple ang mga ito.

Lucky charm din ni John si Shaina, kung inyong papansinin. Sunod-sunod ang kanyang projects, tulad ng Ur Song episode nila ni Aiko Melendez at ng Komiks Present: Tiny Tony tuwing sabado. Hindi lang siya bida rito sa huli, kundi title-roler pa.

Kung noong una, nagpahayag si John na hindi sila magtatambal ni Shaina sa anumang project (para ‘wag lumutang na naggagamitan sila), this time, mismong network na ang nagpasiya na pagsamahin na sila. Magaganap naman ito sa Tanging Ina Ninyong Lahat na filmfest entry pa ng Star Cinema sa darating na December. Si Ai-Ai delas Alas pa rin ang bida at kapatid pa rin ni Shaina sina Jiro Manio, Alwin Uytingco, Nikki Valdez (pano kaya gagawin iyon, eh, buntis na ngayon si Nikki sa Canadian niya, at naka-base pa sa Canada?) Hindi na rin kasama sa pelikula si Heart Evangelista siyempre, dahil nag-over da bakod na) at ganu’ndin si Marvin Agustin. Hindi naman daw kawalan sa istorya ang huling dalawang nabanggit, pagka’t magkakaroon ng additional characters. Expect Star Cinema to inject more comedy scenes, lalo’t ganadong-ganado na si Ai-Ai sa pagsyu-shooting ng pelikulang nagbigay sa kanya ng unang Box-Office Queen award.

Going back to Shaina, pinagtatawanan na lang niya ngayon ang blind items na nasulat sa kanya noon, lalong-lalo na ‘yung dumaan daw sa bintana, isang madaling-araw, ang unang boyfriend niya para lang siya dalawin. Ridiculous nga naman iyon, dahil ang structure ng kanilang bahay ay hindi puwedeng basta-basta lang may makaaakyat sa bintana na malapit sa kanyang kuwarto.

Napatunayan ngayon na nagpapakatotoo naman si Shaina sa tamang pagkakataon at tamang sitwasyon.