Si John Prats bilang Tiny Tony at ang kanyang adventure
By: ---   From: komikspresents.multiply.com
[October 9, 2008]

Ngayong Sabado, magsisimula ang adventure ni John Prats bilang Tiny Tony sa pagpapatuloy ng Komiks Presents Mars Ravelo sa ABS-CBN.

Sa kanyang pagkabata, nagpakita na si Anthony (John) ng kakaibang talino at kakayahan na hindi magagawa ng ordinaryong bata. Dahil sa kanyang talino, napamahal si Anthony sa kanyang pamilya at kaibigan.

At sa kanyang paglaki, patuloy ang paglalim ng katalinuhan ni Anthony. Hanggang sa isang 'di inaasahang aksidente ang nangyari. Isang pangyayari na babago sa buhay ni Anthony bilang isang henyong binata.

At ngayong Sabado, simula na ang adventure ni Anthony na mas kikilalanin bilang Tiny Tony. Alam ang mga kagila-gilalas na magaganap sa buhay niya na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Kasama sina Alex Gonzaga, Coco Martin, Susan Africa, Mura Gerard Acao at sa special participation ni Pen Medina. Mula sa direksyon ni Dondon Santos, ang Tiny Tony ay ang ikaapat na superhero na hatid ng Komiks Presents Mars Ravelo.

Kaya huwag palalampasin ang premiere telecast ng Tiny Tony ngayong Sabado, October 11) sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log in sa www.abs-cbn.com at http://komikspresents.multiply.com.