"Tiny Tony" consistent ang mataas na TV rating
By: Eric John Salut   From: People's Tonight
[October 23, 2008]

Tiyak na masayang-masaya ngayon si John Prats.

For the past three weeks ng Komiks Presents: Tiny Tony, consistent ang magandang rating nito. Nakuha nito ang timplang hinahanap ng Saturday afternoon viewers.

Mabilis na natapos ni John ang taping para sa show kaya puwede na siyang gumawa ng isa pang programa. Nakapagsimula na rin siyang mag-taping for I Love Betty La Fea, kung saan gagampanan niya ang role ng bestfriend ni Betty (Bea Alonzo), na mai-involve sa isang special friendship with a gay executive ng Eco Moda.

“Hindi siya relasyon,” paliwanag ni John. “Special friendship lang. At may reason naman kung bakit aabot sa gano’n, eh. Very realistic naman.”

Special role lang si John sa ILBLF, pero tiyak na tatatak ito sa viewers.

Matutupad na rin ang pangarap niyang makasama ang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao sa isang programa.

Come November, magsisimula na silang mag-taping for a new show.