"Your Song" final episode
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[September 28, 2008]

On Your Song Presents, final episode na today ng Someone Like You ng May-December affair nina Marge (Aiko) at Melvin (John).

Sa huling episode, magkakaroon ng confrontation sina Marge at Mitch (Krista Ranillo) tungkol sa lalaking pareho nilang gusto, si Melvin.

Ngunit kahit na pinili ni Marge na makipagbalikan kay Allen (Christian Vasquez) at si Melvin kay Mitch, alam pa rin nina Mitch at Allen na hindi sila mahal ng kanilang partner.

Dahil dito, gagawa si Allen ng paraan para maalala ulit ni Marge ang nangyari sa kanilang dalawa noong wedding day nila.

Kung ano ang magiging reaction ni Marge ay abangan, gayundin kung pipillin ba nila ni Melvin ang tibok ng kanilang puso.