‘Banana Split’ Now Serving Daily on ABS-CBN
By: ---   From: Accesspinoy.com
[September 27, 2009]

Here’s a funny headline from a press release coming from ABS-CBN: Dahil isang taon mo na silang kapiling… ang isang saging, magiging isang piling! Yep, the headline says it all. Banana Split, the Saturday gag show on the Kapamilya network, will start serving daily doses of fun and entertainment starting September 28. Check out the rest of the report below!

Pawiin na ang init ng hapon ng tuwa’t saya hatid ng Banana Split Daily Servings na magsisimula sa Lunes (Setyembre 28).

Bilang pagdiriwang ng kanilang unang ani bersaryo, buong buwan ng Oktubre makikigulo sa inyong mga tahahan ang kwelang barkada nina Angelica Panga niban, John Prats, Zanjoe Marudo, Jayson Gainza, Pooh, RR Enriquez, Princess Ryan at Pokwang.

Araw-araw ng huma lakhak sa nakakatuwang tandem nina Bhoy at Krissy sa patok na patok na NNNN (Ntertainment News Na Naman) pati na sa makukulit na salitang ibabahagi ng ‘Brod, Bro, at Bru.’

Abangan din ang panibagong teleserye spoof na pinamagatang ‘Dahil May Isang Hikaw’ at ang nakakakiliting segment na ‘Sosyal, Pa sosyal, at Wa Sosyal’ na magtuturo sa inyo kung paano kumilos ang isang babae sa iba’t ibang uri ng sitwasyon

Para lalong sumarap ang katatawanang ihahain sa inyo linggu-linggo, idadagdag sa mga sahog ang celebrity guests tulad nina Piolo Pascual & KC Concepcion, Kim Chiu & Gerald Anderson, Donna Cruz, at Vilma Santos

Huwag palampasin ang Banana Split Daily Servings, Lunes hanggang Biyernes nang 3:00 PM, at ang ang Banana Split tuwing Sabado nang gabi pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN.