Halikan at yakapan kay Shaina sa studio ng ABS, itinanggi ni John!
By: Rey Pumaloy   From: Abante
[July 18, 2009]

Itinanggi ni John Prats ang balita na nahuli sila ni Shaina Magdayao na naghahalikan sa isang sulok ng compound ng ABS-CBN.

“Hindi ko pa nga nata-try. Subukan ko nga this Sunday,” pabirong sabi ni John, na kasama sa pelikulang Oh My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid.

“Honestly, hindi ako ganun! Hindi ako ma-PDA (public display of affections)

Hindi ako kumportable sa ganun. Ang pinaka-PDA ko lang ‘yung i-hug ko siya or kiss sa pisngi lang. Hindi ko magagawa ko ‘yon sa kanya!” patuloy na pagtanggi ni John tungkol sa halikan daw nila ni Shaina.

Kuwento pa ni John, kahit sa harap ng mga friends nila ni Shaina ay hindi nila ginagawa ‘yon. Kahit daw ang mag-holding hands ay hindi nila ginagawa.

Iginiit pa ni John na sobrang busy sila ni Shaina sa trabaho at madalang na lang silang magkita.

“Sa ASAP na nga lang kami halos nagkikita. Doon ako mas malambing sa kanya. Busy siya sa taping. Kaya imposibleng makita kami sa isang sulok sa compound ng ABS, kasi every Sunday lang kami halos nagkikita.

“After naming magkita sa ASAP, uuwi muna ako. Magsisimba kasama ang family ko. Then after that, pupunta na ako sa kanila para bumisita.”

Wala raw dahilan para bastusin niya si Shaina. Pambabastos daw na maituturing na halik-halikan at yakap-yakapin si Shaina sa isang sulok lang ng Dos.

Sa laki raw ng respeto at pagmamahal niya kay Shaina, hindi niya puwedeng gawin ‘yon.

“First time ko ito. Ibang level, eh. ‘Yung sa amin ni Heart (Evangelista), I was young. Bata pa rin si Heart that time. Feeling ko sa amin ni Heart noon, siya na ang mapapangasawa ko. Ngayon mas mature ako, hindi ako selfish, mas understanding ako, mas supportive ako sa career ni Shaina,” sabi na lang ni John.