Happy love life
By: Chit Ramos   From: Tiyempo
[January 06, 2009]

Haping-hapi raw ang love life nina Zanjoe Marudo at John Prats. Nakakaligtaan yata na ang pangatlong miyembro ng ‘Parekoy,’ comedy series na si Jason Gainza ay ganu’n din. Haping-hapi ang love life nito kasi may mga tsikiting na sila ng kanyang asawa na hanggang ngayon ay asawa pa rin niya despite his continuous success in showbiz.

Nababangit ito pagka’t buo pa rin ang pamilyang ‘Pinoy Big Brother’ alumnus na ito at hindi katulad ng co-housemate niyang si Fransen na hiwalay na sa kanyang mag-ina.

Celebration of love nga ang bagong ‘Parekoy’ comedy series na nagsimula nang i-ere sa Channel 2 after ‘Wowowee.’ Oo nga’t may nakikitang "luma" sa show pero mas marami ang mga "bago." In fact, magkakaroon pa ng tapings na magpapakita sa matipunong katawan ni Zanjoe, masayahing si John at si Jason (na hindi lamang may bagong show, kungdi nag-renew pa ng contract sa ‘Trip na Trip’ ng Bayan Productions at mapapanood tuwing hatinggabi sa ABS-CBN).