John bantay-sarado kay Shaina
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[January 02, 2009]

Ayon kay John Prats, bihirang-bihira silang mag-away ni Shaina Magdayao. Kung meron man, mga maliliit lang daw.

“Like itong nag-guest ako sa Banana Split, ayaw niya, kasi puro babae ang nandun. Sabi niya, “baka halikan ka ni RR (Enriquez), kasi di ba, mahilig manghalik si RR. Kaya pag pinanood ninyo ‘yung episode ko, hindi ako nahalikan ni RR. Hinahalikan niya ako, umiiwas ako,” kuwento ni John.

Kaya pala a little birdie told us na nagbantay daw talaga si Shaina sa taping ng Banana Split nang mag-guest si John.

Anyway, John is Joseph sa Parekoy at magbabarkada sila rito nina Zanjoe at Jayson. May kanya-kanya silang buhay-pamilya at nakatutuwang abangan ang mga nakakabaliw na adventures na kanilang dadaanan.