John, kampante kay Shaina
By: Mercy Lejarde   From: People's Tonight
[January 03, 2009]

“’Pag may special someone na siya, suplada siya sa iba. Hindi siya maharot na babae kaya kampante ako.” ’Yan ang description ng isa sa cast members ng ABS-CBN’s Parekoy na si John Prats sa girlfriend na si Shaina Magdayao.

“Bi” ang term of endearment nila sa isa’t isa.

“Kasi, ako may bilbil. Siya naman, Bisaya, lalo na sa English word like ’yung nagkuwento siya ng...‘Ay naku, tumawag si ‘ankol,’ imbes na ‘uncle’... ’yung mga ganu’n?” masayang sabi pa ni John.

Lucky guy, John Prats!

Ang daming Kapamilya talents ang may gusto kay Shaina, pero ikaw ang nakasungkit sa minatamis niyang “yes,” ha!