John, magpapatayo muna ng bahay bago magpakasal
By: Chan-Chan Torres   From: People's Taliba
[July 29, 2009]

How true ang isyung nakita raw na naglalaplapan sina John Prats at Shaina Magdayao sa dressing room ng ASAP ’09?

Tinanong namin si John about this at agad namang pinabulaanan ng aktor ang tungkol sa kababawang intrigang ito. Aniya, walang katotohanan ang balita na lagi silang nagpi-PDA (public display of affection) ni Shaina.

“Mahilig akong mag-hug, pero ‘yong ma-kipaghalikan sa mara-ming tao, para namang hindi dapat. Respeto na lang din sa babae at da-pat ay ginagawa ‘yon sa pribado lang,” paliwa-nag pa ni John.

Dagdag ng aktor, understandable pa raw kung nasa ibang bansa at may ganitong mga balitang nagaganap, eh, nasa ‘Pinas daw tayo, kaya hindi puwedeng ganoon.

Siyempre, kahit naman liberal ang karamihan sa atin ngayon, nasa kultura pa rin natin ‘yong pagiging konserbatibo.

Nasa-shock pa rin ang mga tao minsan ‘pag over sa PDA ang ibang tao.

Aminado si John, ma-lambing siya by nature, pero not to a point na may ganoong halikan portion na, kahit siya raw ay mahihiya rin.

“Dapat ilagay sa lu-gar ang mga ganoong bagay.”

Dagdag pa ni John, masaya siya sa piling ni Shaina, at gayundin daw ang young actress.

“Everyday is a special day for us. Masaya lang talaga kami,” very in-love pang sabi ni John.

Sa ngayon ay ini-enjoy daw nila ang pagi-ging magkasintahan.

Tinanong namin si John kung nagbabalak na silang magpakasal ni Shaina. Aniya, gusto raw muna niyang magkabahay bago siya mag-asawa.

Next year ay patata-yuan na raw ni John ng bahay ang lupang nabili niya.

Prangka rin si John sa pagsasabing malaking bagay sa relasyon nila ni Shaina ‘yong hindi sila magkatrabaho. Na hindi sila magka-love-team.

At natutuwa si John dahil super-supportive daw si Shaina sa kanya at sa projects niya sa showbiz. At maging siya raw ay super-supportive din sa showbiz career ni Shaina.

May isyu ring selosa si Shaina at super-bantay raw ang nobya sa set ng Bud Brothers ng Dos.

Agad na sinabi ni John na hindi selosang girlfriend si Shaina.

In fact, bumibisita raw ang aktres para suporta-han lang siya, pero umaalis naman daw ito kaagad sa set.

Kung siya raw ang ta-tanungin, walang dapat ipagselos si Shaina dahil, ayon pa kay John, hindi niya binibigyan ng dahi-lan ang aktres na magalit o magselos sa kahit kani-nong girls na nakakasama niya sa trabaho bilang artista.