John, paborito ng Regal Films
By: Noel Asiñas   From: People's Taliba
[July 17, 2009]

Nasa cast din ng "Oh My Girl" nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid si John Prats.

Alam ni John na paborito siya ng Regal Films, kasi hindi siya nawawalan ng project sa production ni Mother Lily Monteverde.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa biya-yang tinatanggap.

Gaganap siya sa "Oh My Girl" bilang ever supportive na kapatid ni Ogie.

Siya ang nakaaalam nang lahat ng ginawa ni Ogie para mapalapit muli kay Juday na isang sikat na artista sa movie.

Dahil si John ang kausap namin, hindi maaalis na pag-usapan ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ayon kay John, sobrang proud siya dahil siya ang unang boyfriend ng bunsong kapatid ni Vina Morales.

Maging sa career move ay suportado nila ang isa’t isa.

Pumayag din si John na mag-swimwear si Shaina kasi may ipakikita naman itong beautiful legs.

Kung pagpapaseksi naman ni John ang pag-uusapan ay ok lang daw ito kay Shaina.

Kahit pa raw mag-pose ang binata ng naka-brief lang, kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ito ni John tulad ng sexy pictorials nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Malamang sa next Bench fashion show ay magpapakita na rin ng kamachuhan si John.

Showing na ang "Oh My Girl" sa July 29.