John talks about marriage
By: Rowena Agilada   From: Tempo
[August 24, 2009]

Mananatiling Kapamilya si John Prats at magre-renew siya ng contract sa ABS-CBN.

But then, mapapanood siya sa isang bagong show sa TV5, ang ‘Moomoo & Me.’ Thankful si John na pinayagan pa rin siya ng ABS-CBN management na lumabas sa naturang show na magpa-pilot telecast on Sept. 10 at 8 p.m. Kasama sa cast sina BJ Forbes, William Martinez, Yayo Aguila, Tia Pusit, Saab Magalona, IC Mendoza, Celine Lim, Empoy Marquez at Paul Andre Salas.

"Akala ko nga, hindi ako papayagan. Apat na beses nakipag-meeting ang manager ko kay Tita Cory Vidanes. I’m happy to work with TV5. Gusto ko ang concept ng show, comedy-fantasy-adventure at si Soxy Topacio pa ang director," said John.

Aniya, si Soxy ang director ni Shaina Magdayao sa unang TV show nito kaya excited ang kanyang girlfriend for him. Nangako raw si Shaina na dadalaw ito sa taping ng ‘Moomoo & Me’ para makitang muli si direk Soxy.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Shaina? "Okey kami. Wala na akong mahihiling pa. Focused na ako ngayon sa career ko dahil stable na ang lovelife ko. Sana lang, sa kasalan na humantong ang relasyon namin ni Shaina. Three years na kami, pero wala kaming anniversary. Kahit naman walang okasyon, nagbibigayan kami ng regalo sa isa’t isa," said John.

He calls her Shai at JP (as in John Paul) naman ang tawag nito sa kanya. Napag-uusapan na nila ni Shaina ang pagpapakasal. Maybe four to five years from now at simple, solemn wedding ang gusto ni John. "Pero kung ano’ng gusto ni Shaina, siya ang masusunod dahil special day niya ’yon. Ako na lang ang gagastos (laughs). I want four kids. Mahilig si Shaina sa bata kaya alam kong magiging mabuting ina siya."

Refreshing para sa kanya si Shaina dahil after work, when he sees her, it’s a new day for him, ani John. "May baliw factor si Shaina. Wala siyang pakialam sa itsura niya kapag nagdyo-joke siya. Noong una, ayaw sa akin ng family niya kaya nag-effort ako para mapalapit sa kanila. Walang problema sa family ko dahil gusto siya at tanggap ng mga Prats."