John walang pakialam kay Shaina kung magparetoke ng katawan
By: Veronica R. Samio   From: Pilipino Star Ngayon
[January 20, 2009]

Tinawagan agad ni Shaina Magdayao ang boyfriend niyang si John Prats nang kumalat ang balitang nagpa-enhance siya ng boobs. Tinanong niya ito kung naniniwala ba ito sa balita.

“Siyempre, hindi noh! Siya pa, eh alam ko namang takot siya sa injection, although kung gagawin niya, karapatan niya yun, wala akong magagawa, ’di ko siya dapat pigilin,” anang aktor.

“Sa totoo lang, natutuwa lang ako dahil nabalita gayong hindi naman totoo, siguro ngayon lang talaga nadi-develop ng full ang body niya,” reaksiyon ng aktor who has a wonderful Christmas celebration because of Shaina.

“We spent it together, pumunta ako sa kanila on Christmas Eve but on Christmas Day kasa-kasama namin ang families namin,” dagdag pa ni John.

Oo nga pala, inaamin na ngayon ni John na naging sila nga ni Heart Evangelista pero siya raw ang humingi ng cool off dahil nasasakal na siya sa sobrang pagiging selosa nito.

“Bata pa kami both noon, I was only 19. After the cool off saka ko na-realize na mahal ko pala siya, binalikan ko siya pero ayaw na niya,” paliwanag pa ni John na tumangging pabling siya. Image lang daw ito, pero actually one-woman guy siya.