John Prats, 10 years maghihintay kay Shaina
By: Nel Alejandrino   From: People's Tonight
[April 13, 2009]

Pumayag kaya si John Prats to wait for 10 years, bago finally ay tuluyan niyang mapakasalan si Shaina Magdayao?

Well, ayon kay Shaina, edad 29 siya mag-a-asawa. She’s only 19. John naman is 25.

At the moment, feel na feel ni Shaina na si John na ang tamang lalaki para sa kanya. Pero, naniniwala rin siyang ’di pa ito ang panahon para siya mag-asawa.

And not just because feel niya bata pa siya, kung hindi ang dami dami pa niyang plano sa buhay, na may kinalaman sa wish niya na maging financially stable siya, bago, wika nga, lumagay siya sa tahimik.